I can be a crybaby so I did not make a speech last Friday, I wanted it to be a fun night. Sabi nga ni General Supnet, ayokong makita ako nang tropa na umiiyak. Not everyone is on multiply so, Rio, Aya, Jas, ipakita ninyo ito sa tropa.
Una sa lahat, salamat sa pagpunta nyo sa party namin ni Ronito, ibang klase yung gift, parang That's Entertainment, at may song number pa ako, kulang na lang may magsasabit ng sampaguita at si Kuya Germs.
Salamat lalo sa mga old timers na pumunta, I'm one of you now. Raffy, Wacqs, Aisa, Kane. Salamat kay Day sa cake. Salamat kay Ronron, ang silent partner ng kasiyahan.
Salamat sa mga tumawid, Sisel, Thea, Miami. Salamat sa mga nanggaling ng malayo at nagdala ng alak at peg (read: baboy), Col. Brawner, Maj. Sagun, lalo na kay Commander Bacordo, it was unexpected sir.
Sa mga hindi pumunta (except yung mga nasa mindanao), drowing! wala pala kayo e.
To those who wrote on the card, here are my replies, in no particular order. You get what you give. (Kung kaya ninyong magsulat nang patago, kaya ko din magbasa nang patago).
Nikko -- i totally agree with the things you listed down, what can i say? we're the best. salamat sa iyo, kay Frankie, at kay Lola
Rio -- pretty girl, keep it up, when i was starting out there, an older friend told me to never lose the fire in my belly, you have the fire (tangina, nosebleed!), pag kaya mo nang manampal diyan, unahin mo si sinpogi, at imbitahin mo ko
James -- seatmate hindi lang sa opisina, kundi pati sa c-130, hummer sa sulu, at kung anu-ano pang sasakyang militar. patuloy ang pagkakaibigan, the best of luck in life and love
Aya -- quality time is not quantity time, thanks for the friendship, at sa masarap na spicy talong with minced pork
Victor -- salamat sa yo, natuto akong mag-transcribe, at mang-urot, kahit may estrella pa yan sa balikat
RSJ -- ang embodiment ng tradisyon sa dpc, whom i consider my mentor on the beat. sabi mo nga, dapat wire-caliber
Joy -- ikaw ang one of a kind, on my first day there, ikaw ang unang kumausap sa akin, tandang tanda ko pa "ikaw ba ang kasamahan ni alcuin, ahihihihihihi" tapos lahat ng pumasok sa pinto sainasabihan mo "ayan ang kasamahan ni alcuin, ahihihihihi" hanggang pumasok na si alcuin mismo, ang sabi mo lang "ahihihihihi"
Vene -- ingat sa mga bala, habulin ka nun, walang anuman yung friendster, kung gusto mo pa, gawan din kita ng facebook at multiply
Jas -- kalerky ka, bakit nahuli ang labas ng personalidad na yan, potah, basta pakisabi kay mang iggy wala nang libre sa mundo, luz valdez ako sa kanya
Ronron -- i know thing have not changed, especially sa mga kasabay natin circa 2005-2007, andiyan palagi ang cubao at kung saan man tayo dalin ng mga kumakalam na sikmura
Verlin -- god speed, kung may isang pang-gangster ang porma dyan, ikaw na yun, suspenders pa lang
K/Day -- yes, i'm sad, and some powers-that-be suck. i will watch my weight after our quiapo food trip
Alcuin -- alcuiiiiiiiiiiin, ahihihihihihi, fuckin' great man!
Cecille -- sisel, sisel, sisel, ang sarap pakinggan, ang paulu saka marven hindi masyado, miss you!
John -- konting bilis sir... dun sa second road trip natin, o e ano ngayon kung tag-ulan na?planuhin na yan. alam ko sir hindi ako mapapahiya sa yo, keep it up
Benjie -- i'm still looking for that rainbow, salmat sa suporta, kuya, lalo na nung tatanga-tanga pa akong baguhang reporter sa crame
Maj. Zagala -- see you in 2010, sir
Jay and Sengkly -- kailangan talaga, team kayo, salamat sa samahan na nagsimula sa kampanya ng nasirang raul roco, katulad ni aisa na kasam din natin dun, our paths will cross again (langya, level!)
Josh and Aimee -- bacarro's angels, now torres' angels, salamat sa mga text at in my last week, nahuli kita, josh, na nagmomonitor ng site namin, kahit iniutos sa iyo yan, salamat
Rex -- pagbutihan ang clippings, hinihintay ni CS yan, at mata sa dyaryo hindi sa cinema one
Merwin -- ang samahang pinagbuklod ng alak, bago ka sumakay ng taxi, amuyin mo muna si manong ha
Jaemie -- mare, like what i told aya, it's not how long, it's how you spent it, hindi ka lang pang-romansa, naka mini-skirt ka pa kahit malapit na gumuho gobyerno nung height ng zte at nagtago sa kampo crame ang pangulo
Wacqs -- ikaw ang patunay ng samahang dpc, kahit hindi tayo nagkasabay sa beat, naging magkaibigan tayo sa mga gimik ng tropa, isang kampay sa yo
Anthony -- wala na akong takas sa pangulo na yan, nawa'y magpakabait ka diyan sa dpc, tingin tayo ng sapatos sa getway
Jepoy -- hinihintay ka na ng pangulo sa malacanang, mestizo ka pa naman, pag sinabi ni joy na leader of the band ka, leader of the band ka
Joey -- i know that you too will excel in that House
Rene -- coming from you, it's a compliment, though i think it's too much, i'm not worthy
Solmerin -- salamat din sa mga kwnetong npa at sa pagsabay mo sa akin sa katipunan
Ibang klase ang samahang DPC, it was my second home, it was where i became a reporter. That's why it was very hard to drag my ass out the door and leave.
I really looked forward to going to work in the nearly four years that i was there. Like Nikko said, everyday is a new joke.
Mami-miss ko ang walang katapusang kwentuhan sa hapag kainan, pan de sal, jollibee, o yellow cab man ang pinagsasaluhan, basta si jimmy ang bumabangka, uki na.
Mami-miss ko ang walang katapusang asaran, ang pagtawa sa buhay pag-ibig nang may buhay pag-ibig, nakakalimutan ko ang sermon ng mga amo, ibang klase ang kababawan natin
Mami-miss ko ang pambabalahura natin sa pangalan ng may pangalan -- General Yano Gibbs, Sengaling, Mamon Tulfo, Colonel Sarah Jane Salazar, Colonel Hilario Duff. Pag ginawa ko yan sa palasyo, baka akalain nila sintu-sinto ako.
Mami-miss ko ang mga out of town trips, kahit PAF ang sagot sa sasakyan at kahit masakit sa pwet, walang katapusang picture naman, at may inuman pa sa gabi pag overnight.
Mami-miss ko ang pagtulog sa sofa (kahit sira), at sa quarters (kahit may kakaibang amoy ang kama). Pasensya na kung naghihilik minsan, tao lang, leche
It was an amazing four years. Peace out at salamat sa inyong lahat!
Joel/Jags/Jaggy/Jopel
Saturday, August 30, 2008
Friday, August 01, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)